Dakilang Lahi Lyrics by Ciarra Sotto

Dakilang Lahi Lyrics


    Dakilang lahi
    na sa 'yong tangi
    pag-ibig ko inang bayan
    isinumpa ko
    o pilipino gagaling ang sugat
    ng iyong nakaraan
    nang pahiran ko
    luha ng 'yong puso
    ay natayo muli
    ang karangalan mo

    o ang pag-ibig ko'y sa 'yo
    inang bayan
    ikaw ang s'yang dalangin ko
    sa diyos kailan pa man
    kuminang na
    ang iyong bituin
    at sumikat na'ng araw
    ang kalayaan mo'y sinisigaw
    ang bukas ay tanging sa'yo
    nakalaan kayumanggi
    ang kulay mo
    dugo't pawis inalay mo
    'di ka na maaapi ngayon o kailanman
    pag-ibig ko'y sa 'yo inang bayan

    dakilang bayan
    kapayapaan
    iyo'y muli nang nakamtan
    tulad noong araw
    bago inagaw ang kayamanan mo
    ang 'yong kalayaan
    nang pahiran ko
    luha ng 'yong puso
    ay natayo muli
    ang karangalan mo

    o ang pag-ibig ko'y sa 'yo
    inang bayan
    ikaw ang s'yang dalangin ko
    sa diyos kailan pa man
    kuminang na
    ang iyong bituin
    at sumikat na'ng araw
    ang kalayaan mo'y sinisigaw
    ang bukas ay tanging sa'yo
    nakalaan kayumanggi
    ang kulay mo
    dugo't pawis inalay mo
    'di ka na maaapi ngayon o kailanman
    pag-ibig ko'y sa 'yo inang bayan

    kahit na gaano kaliit
    ang tinig ko
    buong lakas akong
    magtatanggol sa 'yo
    ang bukas ay tanging sa'yo
    nakalaan kayumanggi
    ang kulay mo
    ang buhay ko'y
    alay sa 'yo
    'di ka na maaapi ngayon o kailanman
    pag-ibig ko'y sa 'yo inang bayan
    pag-ibig ko'y sa 'yo inang bayan

SEARCH LYRICS